CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, October 25, 2007

BUHAY SA AMERICA

Buhay sa abroad ng Isang Pinoy
Akala ng mga tao kapag nasa America ka
akala nila madami ka ng pera. Ang
totoo, madami kang utang, dahil credit
card lahat ang gamit mo sa pagbili mo
ng mga gamit mo.Kailangan mo gumamit
ng credit
card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan. Pag
wala kang credit card, ibig sabihin
wala kang kapasidad magbayad.

Aka la nila mayaman ka na kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka
bumili ng kotse maglalaka d ka ng
milya-milya sa ilalim ng init ng araw
o kaya sa snow. Walang
jeepney,tr icycle o padyak sa ibang
bansa
Ak ala nila masarap ang buhay dito sa
ibang bansa. Ang totoo, puro ka
trabaho kase pag di ka nagtrabaho,
wala kang pangbayad ng bills mo sa
kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance,bahay
a t iba pa. Hindi ka na pwedeng
tumambay sa kapitbahay kse busy din
sila maghanap buhay pangbayad ng bills
nila.
Ak ala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disney, Seaworld,Six
Flag s,Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo,kailangan
m o ngumiti kase nagbayad ka ng
$70+para makarating ka dun, kailangan
mo na namn ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang
totoo,malaki pagpinalit mo ng peso,
pero dolyar din ang gastos mo sa ibang
bansa.Ibig sabihin ang dolyar mong
kinita sa presyong dolyar mo din
gagastusin.An g P15.00 na sardinas sa
Pilipinas $
1.00 sa America, ang upa mo sa bahay
na P 10,000 sa pilipinas, sa America
$1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na
kase ang ganda ng bahay at kotse
mo.Ang totoo milyon ang utang mo. Ang
bago mong kotse 5 taon mong huhulugan.
Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sa bihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas.Mada las pagod ka sa trabaho.
Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng
America.Hindi ibig sabihin dolyar na
ang sweldo mo, yayaman ka na,
kailangan mo ding magbanat ng buto
para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang
malaking sakripisyo ang pag alis mo sa
bansang
pin agsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan

0 comments: